sirang teklado
Sipag at Utak.
Dear Santa.

Dear Santa,
Gutso ko nang space ranjur sa darateng pakso. Naging bata na masonurin namam ako ngayong taon.,.„
Iyong Kaebigan, Billy

Dear Billy,
Ganda ng spelling mo panay kamote, wala akong naintindihan. Eh kung padalan nalang kita ng libro para matuto ka namang magbasa at magsulat? Naipadala ko na yung space ranger sa kapatid mo, atlis yun marunong magspell.

Santa

**********

Dear Santa,
Naging mabuting bata ako ngayong taon, at ang tanging hiling ko ay kapayapaan at kasiyahan para sa lahat!
Love, Sarah

Dear Sarah,
Nakatira ka ba ng shabu?

Santa

**********

Dear Santa,
Hindi ko alam kung kaya mo gawin, pero gusto ko sana ay magsama na muli ang nanay at tatay ko.
Love, Teddy

Dear Teddy,
Yung tatay mo palaging binabayo ang dating katulong niyo. Sa tingin mo may pagasa pang balikan niya ang nanay mong mukang pusit? Wala ka nang pagasa, kawawa ka naman. Eto lego para sayo..

Santa


**********

Dear Santa,
Gusto ko ng bike, ps2, gameboy, psp, space ranger at robot.
Love, Francis

Dear Francis,
Sino pa bang magulang ang pinapangalanang ‘Francis’ ang kanilang anak? Sa tingin ko bakla ka. Eto Barbie para sayo…

Santa

**********

Dear Santa,
Nagiwan ako ng gatas at cookies sa ilalim ng puno, at carrots para sa reindeer mo sa likod ng bahay namin.
Love, Susan

Dear Susan,
Gatas? Hindi ako yagit na musmos katulad mo. Yang carrots naman ay nagpapautot sa reindeer ko diretso sa muka ko. Pwede makahingi ng pabor? Magiwan ka ng limang Red Horse sa ilalim ng puno nyo.

Santa

**********

Dear Santa,
Anu ginagawa mo sa natitirang 364 na araw sa isang taon? Busy ka ba paggawa ng mga laruan?
Your friend, Thomas

Dear Thomas,
Lahat ng laruan ko ay gawa sa China. May condo ako sa Vegas kung saan gumagawa ako ng mga low-budget porno films. Interesadong kang malaman diba?

Santa

**********

Dear Santa,
Nakikita mo ba kami kapag natutulog kami? Pag gising kami nakikita mo ba kami?
Love, Jessica

Dear Jessica,
Bakit ang dami mong tanong? Bahala ka sa buhay mo. Lalagpasan ko ang bahay nyo..

Santa

**********

Dear Santa,
Gusto ko ng tuta, please, please, PLEASE, PLEASE bigyan mo ako ng tuta.
Love, Timmy

Dear Timmy,
Yang pangi-nutil na pagmamakaawa mo ay di tumatalab sa akin, kung sa uto-uto mong magulang tumatalab sa akin hinde. Eto kuting para sayo..

Santa

**********

Dearest Santa,
Nakalock lahat ng pinto at bintana sa bahay namin. Paano ka nakakapasok?
Love, Marky

Dear Mark,
Unang-una tumigil ka kakatawag sa sariling mong Marky, hindi ka cute, inutil nalang ang itawag mo sa sarili mo. Pangalawa hindi ka nakatira sa isang bahay, isang pang palaboy na apartment lang yan. Pangatlo, nakakapasok ako dyan sa lungga nyo kung pano nakakapasok ang kabit ng nanay mo, sa sirang bintana nyo sa kwarto.
Sweet dreams,

Santa




[Flash 9 is required to listen to audio.]
Title: 20-20 Artist: Pupil 4 plays

Isa ito sa mga kantang hindi ko kinatatamarang pakinggan.

I wish that I could see the world thru your eyes
I wish that I could see the world thru your eyes

You zipped thru the stars in a silver shopping cart
Fueled by your faith in miracles
You tend to your garden an eden with a twist
Where the animals and angels recreate

I wish that I could see the world thru your eyes
I wish that I could see the world thru your eyes
I wish that I could see the world thru your eyes
I wish that I could see

You were born without a care
You fly where eagles dare
Day or night rain or shine makes no difference
You’ve learned to forgive all our sins
You receive all things without hate

I wish that I could see the world thru your eyes
I wish that I could see the world thru your eyes
I wish that I could see the world thru your eyes
I wish that I could see

You came and offered me a holding company
And you gave away your shares for free
And though it was a sad affair
You just couldn’t care
All you could think about was letting go

I wish that I could see the world thru your eyes
I wish that I could see the world thru your eyes
I wish that I could see the world thru your eyes
I wish that I could see


Mga Kalokohan na Hindi makakalimutan sa High School:

  1. Ang paghingi ng one whole sa classroom tuwing may quizzes, seatworks at long tests.
  2. Ang pulbo ng bayan na dwo days lang ang lifespan, dahil buong klase ang gumagamit nito.
  3. Halos araw-araw nagpapagawa ng groupworks ang mga guro sa kadahilanang tinatamad sila magturo. At dahil diyan nagkakaroon ng Groupings. Pero sa tuwing may groupings, mas matagal pa ang oras ng pakikipagkulitan at pakikipag-asaran niyo sa mga ka-groupmates niyo kaysa sa paggawa ng report.
  4. Ang paghiram ng ballpen. Aminin mo, isa ka sa mga gumagawa nito. Kung hindi ikaw ang hihiraman, ikaw ang manghihiram mng ballpen.
  5. Ang pagkakaroon ng sinasabi nating teamwork kapag may test. Alam na. Haha
  6. Ang kopyahan pag may assignment. Yung iba pa nga pumapasok nang maaga para makakopya nang maaga.
  7. Ang pambuburaot ng mga kaklase mo sa baon mo. Madalas nga kapag nakita ka nilang may dalang pagkain sila pa ang nauunang magbukas nito para makakuha sila ng marami, pagpapasa-pasahan muna nila ito tapos ibabalik sa iyo kapag naubos o kakaunti nalang ang laman nito.
  8. Ang pagsususpinde ng klase tuwing may bagyo. Yes! Walang pasok! Haha
  9. Ang hindi makakalimutang recollection. At ang pinakahuli sa lahat.. ang pag graduate.


Day 2

Bakit nating gagawing legal ang Illegal?

Illegal ng diba? Meaning bawal. Lagi nating tandaan na hindi kailanman naging mabuti ang bawal. Kailangan nating sundin ang batas. Kung mababago ang batas, baka maging magulo pa ang takbo ng pamumuhay ng tao at baka masira pa ang takbo ng ekonomiya ng bansa.

Ang sabaw ko. syet. Hindi karapat-dapat ipost ang ganitong klase ng post.


Huwag Pagsisihan

“Let us not become weary in doing good, for at the proper time we wll reap a harvest if we do not give up” -Galatians 6:9


“Huwag kang mapagod sa paggawa ng mabuti.”

“Pero nagtanim na po ako. Wala parin akong inaani. Hinukay-hukay ko na, dinidilig-diligan ko pa; ayoko na, bubunutin ko na ito.”

Yun pala, kinabukasan mamumunga na, naiinip ka lang.

Nakakapagod talagang gumawa ng mabuti. Pero nakakapagod ding gumawa ng masama. Pareho lang namang nakakapagod. Mapagod ka na sa kagagawa ng mabuti, kakampi mo pa ang Dios.

And maybe what you should do, if this is your case, is to pace yourself. Magpahinga nang kaunti. Lagyan ng kaunting space yung ginagawa but do not give up being good. At kahit kailan wag pagsisisihan ang paggawa ng mabuti. Huwag pagsisisihan na nasa panig ka ng Dios.


Kitang-kita ang ebidensya

“For since the creation of the world God’s invisible qualities—his eternal power and divine nature—have been clearly seen, being understood from what has been made, so that men are without excuse.” -Romans 1:20

May Creator. Hindi na natin kailangang akyatin ang langit para makita natin ang Dios. Subukan nyong magbiyal ng niyog. Di ba’t ang linis ng tubig sa loob? Hindi ba kayo nagtataka? Paano nangyari yun? Dun pa lang malalaman na nating may designer talaga.

Ang mga halaman, halimbawa, pare-pareho lang naman ang nutrients na sinisipsip sa lupa, pero iba-iba ang bunga. May sinigwelas, mangga, aratiles, kaimito. Pare-pareho lang nakaugat sa lupa, pero ang bungang naglalabasan, iba-iba ang hitsura, ang kulay at ang lasa.

Kaya nga, walang puedeng magsabing “Hindi ko naman kasi nakita ang Dios. Huwag mo akong sisihin na di maniwala kasi wala naman akong nakitang proof.” At ang lagay, ang lahat ay tsamba? Bakit kusang kumukurap ang mga mata natin? Bakit pumipintig ang puso natin kahit natutulog tayo? The Invisible nature of God is seen through the visible things that he created.

Di ba pag nakakakita tayo ng siga ng apoy, alam nating may nagsindi nun? Pag nakita nating may bakas ng hayop, alam nating may dumaan dun. Sa buhay man natin, mababakas din ang tatak ng Dios. kailangan pa ba natin siyang makita literally para maniwala?


Day 1

Susubukan kong humabol sa 365 day Challenge.

Actually hindi ito isang picture ng isang sirang teklado. Napagtripan ko lang siyang gawing thumbnail kasi gusto ko siya eh. Galing ni google eh no! :)

Bagong Taon na naman, kailangan na ng iba sa atin na magbagong buhay.

Dahil maganda naman ang takbo ng buhay ko, napagdesisyunan ko na hindi ko na kailangan pang baguhin ang mga bagay na ginagawa ko ngayon. At Dahil wala naman akong dapat na baguhin sa sarili ko ngayong bagong taon, igegeneralize ko nalang ang aking mga kahilingan ngayong 2012.

Simple lang naman ang aking mga kahilingan:

  1. Sana magkaroon ng lakas ng loob ang mga tao na harapin ang kanilang takot.
  2. Sana mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga tao para maitama ang kanilang mga pagkakamali.
  3. Sana wala nang mga sakunang manalanta dito sa ating bansa. Kung meron man, sana hindi malakas.
  4. Sana wala nang masaktan.
  5. Sana wala na akong makitang taong umiiyak.
  6. Sana wala nang nahihirapan. 
  7. Sana magkaroon na ng Katahimikan.
  8. Sana maging payapa at maayos na ang lahat.

Diba? Napakasimple lang naman ng kahilingan ko eh, at yun ay madali nating makamit kung magkakaroon tayo ng pagmamahal sa isa’t isa.

Hindi ako nagpost ng aking larawan dahil may pinangangalagaan akong pangalan.


    Ginamit mo lang pala ako’t pinaglaruan.

    Ano bang nagawa kong mali

    At iniwan mo ako ng walang pasubali

    Kay bilis mo naman yatang magbago

    Pag-ibig mo’y bigla nalang naglaho

    Buhay ko’y miserable’t sirang-sira na

    Mistula kang bagyo kung manira’t manalanta

    Hindi ko na alam kung paano magsisimula

    Dahil ako’y iniwan mo nang nag-iisa

    Ngayon hindi ko alam kung saan pa tutungo

    Dahil puso ko’y iniwan mong nagdurugo

    Ngayon hanggang langit aking pagsisisi

    Kung bakit minahal pa kitang muli

    Puso ko hindi na muli pang aasa

    Na babalik ka, aking sinisinta

    Pagkat alam ko na ang katotohanan

    Ginamit mo lang pala ako’t pinaglaruan.


    May pag-ibig na dumarating sa atin sa maling panahon, sa maling pagkakataon. Masakit man kailangang iwasan natin, pero kung talagang para sa atin yun, bablik yan ilang beses man natin itong iwasan.


    ABOUT

    Ako si Jet. ang tao sa likod ng isang sirang teklado. Isang SOLOista. Feeling makata. Trying hard. Makitid ang utak. Laging may sapak. Minsan masipag, minsan hindi. Minsan mabait, minsan hindi. Magulo kung minsan. Feeling pogi. Seryoso sa buhay.

    Halika, samahan mo ako. Dito sa kung saan nagumpisa ang lahat. Dito kung saan hindi na problema ang mga problema.

    Halina't lakbayin ang naiiba kong mundo.
    Read the Printed Word! May katanungan? Iputok ang iyong naninigas na tanong dito.